030 - O Diyos na Marangal

O Diyos na marangal!
Kami ay tulungang magawitan;
Ngala'y papurihan sa kalwalhatian,
Kami'y pagharian Amang banal!

Ikaw na Verbong Diyos!
Kami'y pag palain araw- araw
Dalangi'y pakinggan upang magtagumpay
Likas Mo'y mamalas sa 'ming buhay

Espiritung Banal!
Kami at kasihan ng patnubay;
Parating akbayan, Puso'y pagharian
At h'wag Mo pong iwan sa kaaway!

O malwalhating Diyos!
Dito'y masusunod ang 'Yong utos;
Paghaharing lubos ay mapapanood
Sa panahong puspos ng natubos.

0:00 0:00